^

Bansa

Bagong laya itinumba ng tandem

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na binatilyo, na bagong laya ang nasawi nang pagbabarilin ng mga  naka-bonnet  na  riding in tandem, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Noel Maraya Jr., ng  Mars St., Arroville Sun Valley, Brgy. 198, Zone 20 ng naturang siyudad sanhi ng tinamong    ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Sa report na natanggap ni Senior Supt. Lawrence Coop, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-2:30 ng madaling araw sa naturang lugar habang ang biktima ay naglalakad pauwi ng kanilang bahay  kasama ang isang kaibigan, nang sumulpot ang isang motorsiklong walang plaka lulan  ang dalawang suspects.

Bumunot ng baril ang mga suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima,  na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. Mabilis namang  tumakas ang mga salarin.

Nabatid sa pulisya,  na kalalaya lamang ng biktima dahil sa  kasong robbery-snatching at minsan na rin aniyang sumuko ito sa ‘Oplan Tokhang’. Lordeth B. Bonilla

vuukle comment

BAGONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with