^

Bansa

Botika ng Bayan ni GMA nais buhayin ni Digong – Pagcor

PIK PAK BOOM - Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nais buhayin ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang Botika ng Bayan na programa ni dating Pa­ngulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, ayon kay Pagcor vice-president Arnel Ignacio.

Sinabi ni Ignacio sa media briefing sa Malacañang, mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi na nais niyang buhayin ang botika ng bayan matapos nilang ipagkaloob kamakailan ang P5 bilyong pondo mula sa Pagcor sa Office of the President (OP).

Wika pa ni Ignacio, ang pangunahing layunin ni Pangulong Duterte ay magkaroon ng libreng gamot ang mamamayan sa pamamagitan ng botika ng bayan.

“May reseta ngang ibi­nigay ng ang doctor para sa maysakit na mamamayan pero paano sila gaga­ling kung wala naman silang pambili ng gamot kaya ito ang layunin ng botika ng bayan na ibigay ng libre ang mga gamot sa maysakit na mamamayan,” dagdag pa ng Pagcor official.

Aniya, plano ng Pa­ngulo na ipakalat ang botika ng bayan lalo sa mahihirap na lalawigan sa bansa upang magkaroon ng libreng gamot ang mga maysakit na mamamayan.

“President Duterte wants free medicine for the poor sa pamamagitan ng Botika ng Bayan,” paliwanag pa ni Ignacio sa media briefing.

vuukle comment

BOTIKA NG BAYAN

PA­NGULONG RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with