^

Bansa

2 pang dawit sa droga, utas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang lalaki na kabilang sa mga drug personalities sa Quezon City ang nasawi habang tatlo pa ang naaresto sa magkakahiwalay na anti-drug operations ng mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group (SAID-SOTG) ng dalawang himpilan ng pulisya, sa bisperas ng Undas, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat kay QCPD Director P/Senior Supt. Guillermo Eleazar ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang mga nasawi ay nakilalang sina Tiburcio Ignacio, alyas Boy, ng Hilario Compound Majaas St., Brgy.Patayas B, QC; at isang Jesus Madula.

Base sa pagsisiyasat, ang mga suspek ay nasawi makaraang manlaban sa mga operatiba ng SAID-SOTG ng Police Station-4 at Police Station-6 ng QCPD na nagsagawa ng buy-bust operation laban sa kanila.

Dakong alas-3:45 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang tropa ng SAID-SOTG ng PS-6 kay Ignacio sa may tahanan nito sa Hilario Compound Majaas St., Brgy. Patayas B sa lungsod.

Narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang isang kalibre .38 baril, drug paraphernalias, isang malaking sachet na naglalaman ng mga plastic sachet ng   shabu.

Samantala, dakong alas 10:50 ng gabi nang masawi naman sa ope­rasyon na ginawa ng SAID-SOTG ng PS-4 sa pamumuno naman ni P/Senior Insp. Randy Lladeral si Madula.

Sa nasabing operasyon, nadakip din ang mga suspek na sina John Porciuncula, alyas John-John, 35; Roger Aquino, alyas Pong-Pong, 48; at Lyka Dumacil, alyas Tabay, 36. Sila ay pawang mga residente sa Masaya St., ng Brgy. Gulod, Novaliches sa lungsod.

Nangyari ang insi­dente sa may isang bahay na matatagpuan sa  San Agustin St., ng naturang lugar kung saan ang target ng buy-bust operation ng PS-4 ay si Aquino.

Pero nang maganap ang palitan ng items ay nakatunog si Aquino at nagtatakbo papasok sa naturang bahay kung saan naroon si Madula. Kaya naman ng habulin ng mga operatiba si Aquino sa loob ay sinalubong sila ng mga putok ni Madula sanhi para gumanti ng putok ang mga una at malubhang ikinasugat nito.

Nagawa pang maitakbo ng mga ope­ratiba si Madula sa Novaliches District hospital pero idineklara rin itong patay, dakong alas 11:17 ng gabi. Habang inaresto naman ang tatlo pang suspek.

Narekober ng mga otoridad sa crime scene ang isang kalibre .9mm, dalawang  improvised handgun at limang sachets ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

SAID-SOTG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with