^

Bansa

Robredo: Term extension ng barangay captains lusot sa committee level

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiwala si Liberal Party (LP) vice presidential candidate at Camarines Sur 3rd District Rep. Leni Robredo na magiging mabunga ang isinusulong niyang Barangay Reform Bill, na naaprubahan ng House Committee on Local Government.

Sa inisyal na pagdinig, hinati ng komite ang House Bill No. 6387 sa dalawa upang makapagbigay ng marami pang benepisyo sa 42,000 barangays sa bansa.

Nilikha ng komite ang dalawang panukala ukol sa extension ng termino ng barangay officials at benepisyo ng barangay workers.

Sa unang panukala, ang termino ng barangay officials ay babaguhin mula sa tatlong taon na may tatlong term limit patungong limang taon na mayroong limit na tatlong termino.

Upang maipasok ang pagbabago sa termino, ipagpapaliban sa 2018 ang eleksiyon ng bagong barangay officials. Ang mga barangay official na nakapagsilbi na ng tatlong termino ay mananatili sa puwesto hanggang sa halalan sa 2018 ngunit hindi na maaaring tumakbo pa.

Sa pagbabagong ito, maipaplano at maipapatupad nang maganda ang Barangay Development Plan sa loob ng limang taon dahil mapagtutuunan ng pansin ng barangay captains ang paghahatid ng serbisyo at makakaiwas sa pamumulitika.

 

vuukle comment

ANG

BARANGAY

BARANGAY DEVELOPMENT PLAN

BARANGAY REFORM BILL

CAMARINES SUR

DISTRICT REP

HOUSE BILL NO

HOUSE COMMITTEE

LENI ROBREDO

LIBERAL PARTY

LOCAL GOVERNMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with