^

Bansa

PNoy responsable sa SAF 44 bilang commander-in-chief – Poe

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ilang araw bago ang unang anibersaryo, muling napag-usapan ang responsibilidad ni Pangulong Benigno Aquino III sa pagtugis ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) commandos kay Malaysian terrorist Zulkifli bin Hir, alyas Marwan.

Inamin ni Sen. Grace Poe na maaaring hindi mapanagot ang commander in ground sa isang misyon dahil sa maling judgment call, ngunit aniya iba ang kaso ni Aquino na tumatayong commander-in-chief.

"Hindi ko sinasabing 'yung sa pangulo ay ganun, basta 'yung sinasabi namin dahil nga siya ang commander-in-chief at may kausap siya, mayroon siya talagang responsibilidad doon," giit ni Poe na nakatakdang muling pamunuan ang pagbubukas ng pagdinig ng senado sa pagkasawi ng SAF 44.

Sa Enero 25, Lunes, ang ikaisang taon ng madugog bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao, kung saan habol pa rin ng pamilya ng mga nasawi ang hustisya.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Francis "Chiz" Escudero na maaaring mapatalsik sa pwesto si Aquino kaya naman hindi niya maaaring takbuhan ang responsibilidad.

"Kaugnay ng pananagutan ni Pangulong Aquino kung saka-sakali, nabanggit mo na din, impeachable officer siya at hindi maaaring mapanagot sa ano man at naging maingat din kami dahil kapag nilagyan namin ng pananagutan ang commander on the ground dahil may maling ginawa, ang takot namin, baka mabalihibuan o kabahan na 'yung mga commander  natin, hindi na magdesisyon on the ground dahil baka masampahan siya ng kaso," ani Escudero.

Mayroon nang final report ang Senado sa kanilang imbestigasyon sa pagkasawi ng SAF commandos ngunit muli nila itong bubuksan dahil sa kahilingan na rin ni Sen. Juan Ponce Enrile na nakakulong nang gawin ito.

Nilinaw naman ni Escudero na hindi na maaaring mabago report na nauna nilang nagawa, habang kung may mapipiga pa si Enrile sa pagbubukas ng imbestigasyon ay gagawan na lamang ito ng supplemental report.

 

vuukle comment

ANG

AQUINO

CHIZ

DAHIL

ENRILE

GRACE POE

JUAN PONCE ENRILE

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SA ENERO

SPECIAL ACTION FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with