^

Bansa

Presidential bets sasalang sa debate

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sasalang na sa debate sa susunod na buwan ang mga presidential bets para sa May 2016 elections kasabay ng isinagawang signing ng  Memorandum of Agreement sa Commission on Elections (Comelec).

Kahapon ay pinangunahan ni Comelec Chairman Andres Bautista ang MOA signing sa Palacio del Gobernador na dinaluhan ng mga kinatawan ng TV network, print media at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Ayon kay Bautista, tatlong uri ng diskusyon ang gagamitin ng organizers at kapapalooban ito ng magkakaibang paksa.

Unang isasagawa ang debate sa Mindanao sa Pebrero 21, 2016 at magkakaroon ng dual moderator at tatalakayin ang posisyon ng kandidato sa matinding traffic sa Maynila, electoral at political reforms, foreign policy, tax reform at national defense.

Marso 20, 2016 naman ang ikalawang debate sa Visayas na sesentro sa disaster preparedness at climate change, kalusugan, edukasyon at korupsyon sa gobyerno.

Sa Abril 24, 2016 ang ikatlo na isang town hall debate.

Habang ang vice presidential debate ay idaraos sa Metro Manila sa Abril 10, 2016.

Para kay Bautista, ma­gandang pagkakataon ito para sa mga kandidato upang mailahad nila ang kani-kanilang posisyon sa iba’t ibang usapin.

Hindi naman nila mapipilit ang mga kandidato suba­lit ang hindi nila pagdalo ay may maliwanag na mensahe para sa mga botante.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

ANG

AYON

BAUTISTA

BRODKASTER

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA

MEMORANDUM OF AGREEMENT

METRO MANILA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with