^

Bansa

51 tiklo sa ‘One Time Big Time’ operation

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang 51-katao matapos masakote na ipatupad ang “One Time Big Time Operation” sa 23 bayan sa Bulacan.

Sa ulat na natanggap ni P/Senior Supt. Ferdinand Divina, unang naaresto ng mga tauhan ni P/Supt. Orlando Castil Jr. ang suspek na si Maricel Salazar  sa isinagawang buy-bust operation habang naaresto naman sa pot session sina Aristotle Yumol, 35; Sherwin Cajipe, 35; Phillip Roy Bulawin, 37; Alexander Alvaran, 21; at si Edmark Babida, 26, sa Lapid’s Ville sa Brgy.Tambubong, bayan ng San Rafael.

Arestado rin ang mga suspek na sina Francis Maceda, 32; Roger Roberto, 32; kambal nitong si Ricky Roberto, 32; Ryan Tario, 23; at si Oliver Gasta, 31, na naaktuhan sa shabu session sa loob ng bahay sa Sandico Street sa Brgy.Poblacion sa bayan ng Santa Maria.

Naaresto naman sa buy-bust operation ang mga suspek na sina Edilberto Panaligan, 52, ng Brgy. Bagbaguin, Meycauayan City; mag-asawang sina Jerwin Garcia at Marita Garcia sa Brgy. Malibung Matanda sa bayan ng Pandi; Maglive-in na sina Michael Nicolas, 35; at Jackie Galvez na mga residente ng Brgy. Caingin sa bayan ng Bocaue na naaresto sa Brgy. Panginay, Balagtas.

Naaresto rin ni P/Supt. Nestor Cusi ang suspek na si Gregorio Zuñiga Jr. matapos na masita dahil sa iligal na pagdadala ng cal .38 revolver, mga magasin at 24 bala habang binabaybay ang Sto.Niño Subdivision sa Brgy. Bagbaguin, Meycauayan City lulan ng motorsiklo.

Kaagad din pinadala sa Bulacan Crime Laboratory Office sa Malolos City ang nakumpiskang droga, mga drug paraphernalia, mga baril habang nanganganib namang masipa sa puwesto ang mga hepe ng pulisya na hindi nakatupad sa direktibang iniutos ni Region-3 Director P/Chief Supt. Rudy Lacadin sa lahat ng kanyang nasasakupan.

vuukle comment

ALEXANDER ALVARAN

ANG

ARISTOTLE YUMOL

ATILDE

BAGBAGUIN

BRGY

BULACAN CRIME LABORATORY OFFICE

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

MEYCAUAYAN CITY

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with