^

Bansa

Bongbong ok sa ‘DNA’ kay Grace

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakahanda si Sen. Bongbong Marcos na sumailalim sa DNA testing sa gitna ng ginaga­wang paghahanap ni Sen. Grace Poe sa mga posible nitong kamag-anak.

Ayon kay Marcos, walang problema sa kanya na magbigay ng sample ng kanyang DNA kung ito ay makakatulong kay Poe.

“Sure pa DNA ako walang problema…I don’t see how will that help her  (Poe) but if that will, why  not?,” ani Marcos.

Matagal ng kuma­kalat ang isang urban legend na anak umano si Poe ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa dating actress na si Rosemarie Sonora na inam­pon ng namayapang action king Fernando Poe Jr. at asawang si Susan Roces.

Sinabi pa ni Marcos na kung mapapatunayang half sister nga niya si Poe ay iwi-welcome niya ito sa kanilang pamilya.

Matatandaan na puro negatibo ang naging resulta ng DNA testing sa sample na ibinigay ni Poe at ng mga hinihinalang mga kamag-anak niya.

Makakalaban ni Marcos sa pagka-bise presidente ng bansa ang running mate ni Poe na si Sen. Chiz Escudero.

Nang tanungin si Marcos kung papipiliin ba niya si Poe sa pagitan nila ni Escudero sakaling mapatunayan na magkapatid sila sa ama, sinabi ng senador na ipauubaya na lamang niya ito kay Poe.

vuukle comment

ACIRC

AYON

BONGBONG MARCOS

CHIZ ESCUDERO

FERNANDO POE JR.

GRACE POE

MARCOS

PANGULONG FERDINAND MARCOS

POE

ROSEMARIE SONORA

SUSAN ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with