^

Bansa

Granada pinasabog: 3 sasakyan napinsala

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong sasakyan ang napinsala nang masabugan ito ng isang granada na inihagis ng isang hindi kilalang ri­der, kahapon ng mada­ling araw sa Makati City.

Ang mga sasakyang napinsala ay isang  Ford Focus, ( GRO-208), Hayundai Coaster (AAA-2079) at Isuzu Van (PDI-997).

Sa report na natanggap ni Senior Supt. Ernesto Barlam, hepe ng Makati City Police, naganap ang insidente alas-2:29 ng madaling-araw,  sa Urban Avenue, Brgy. Pio Del Pilar ng naturang lungsod.

Base sa kuha ng CCTV camera ng isang condominium, dumaan ang isang motorsiklo na hindi naplakan  sakay ang isang lalaki at inihagis nito ang isang granada na sumambulat sa mga sasakyan na nakaparada lamang sa naturang lugar.

Ayon sa pulisya, mabuti na lamang aniya  ay walang taong na­damay sa insidente.

Matapos ang pagsabog ay mabilis na tumakas ang suspek.

Tinitingnan ng pulisya ang anggulong, posibleng ang target ng suspek ay isa sa mga may-ari nang sasakyan na hindi na binanggit pa ang pangalan.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ERNESTO BARLAM

FORD FOCUS

HAYUNDAI COASTER

ISANG

ISUZU VAN

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

PIO DEL PILAR

SENIOR SUPT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with