^

Bansa

Parangal sa SAF 44 gawin na - Recto

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat daw magkaroon na ng desisyon ang pamunuan ng PNP kung paparangalan pa ang mga nasawing miyembro ng Special Action Foce  (SAF).

Ayon kay Sen. Ralph Recto, dapat gawin na nila ito at baka mabigyan pa sila ng “Medal of Vacillation o Medalya ng Kabagalan” na hindi naman nararapat sa kanila.

Aniya, masakit ito sa mga pamilya lalo na kung naabisuhan na silang bibigyan ng Posthumous award pero na-postponed pa.

Sa mata ng tao, matagal ng mga bayani ang mga SAF 44, gayundin ang mga kasamahan nilang nakaligtas.

Ang paniniwalang ito ay hindi lang umano nakabatay sa haka-haka, pero base sa transcripts, official reports, photographs, communications, telephone logs na nailabas sa media at Senate hearings.

Wika pa ni Recto, halos lahat ng detalye ng operasyon at kung paano sila nakipaglaban ay nalaman na ng taumbayam, ang kulang na lamang ay ang mabigyan sila ng parangal.

Idinagdag pa nito, pasok din sa mga alituntunin para mabigyang parangal ang SAF 44 lalo pa’t nasawi sila sa larangan ng pakikipaglaban.

 

vuukle comment

ANG

ANIYA

AYON

DAPAT

IDINAGDAG

KABAGALAN

MEDAL OF VACILLATION

MEDALYA

MGA

RALPH RECTO

SPECIAL ACTION FOCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with