PANOORIN: Martin Romualdez, posibleng ilipat sa Camp Crame Hospital
MANILA, Philppines — Nakatakdang maghain ng mosyon para ilipat si dating House Speaker Martin Romualdez mula Cardinal Santos Medical Center papunta sa PNP General Hospital sa Camp Crame, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla.
Sinabi ni Remulla sa press briefing nitong Martes, Setyembre 8, na maaaring ihain ang mosyon ngayong araw o bukas.
Ayon kay Remulla, hindi pumapayag ang mga awtoridad na manatili si Romualdez sa Cardinal Santos dahil kaya naman umanong ibigay sa PNP General Hospital ang kinakailangan niyang medical care.
Dagdag ni Remulla, bibigyan pa rin ng visitation at practicing rights ang mga doktor ni Romualdez para patuloy siyang maasikaso sa Camp Crame.
- Latest























