^

Bansa

Hamon sa Kamara Anti-dynasty bill isalang na

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinamon ni House Committee on Suffrage and Electoral Reforms chairman Fredinil Castro ang liderato ng Kamara na isalang na sa botohan ang Anti-Political Dynasty bill.

Kasabay nito ang pa­nawagan ni Castro kay Pangulong Aquno na sertipikahan na ito bilang urgent bill para isang araw na salang na lamang sa plenaryo ang kailangan para mailusot ito sa kapulungan.

Giit pa ng kongresista, kung talagang gustong ipasa ito ng Kamara ay maaari na itong isalang sa plenaryo para mapagbotohan.

Maaari naman uma­nong isingit ang panukala sa deliberasyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL) dahil hindi na ito kailangan pang pagdeba­tihan.

Sa ilalim ng bersyon nito na nakapasa sa naturang komite, isa lamang sa miyembro ng pamilya hanggang second degree of consanguinity ang maaaring tumakbo sa halalan.

Sakop ng limitasyong ito maging ang mga nominado bilang kinatawan ng lahat ng partylist groups.

Matatandaan na iniatras ng liderato ng Kamara ang plano noon na isalang na ito sa botohan sa second reading at ikinatwiran na kailangan na itong isalang muli sa pag aaral.

Ang Anti-Political Dy­nasty bill ay isa sa pi­na­bibigyang prayoridad ni Pangulong Aquino sa Kongreso subalit isa rin ito sa hindi gumagalaw na panukala sa Kamara mula ng magbukas ang sesyon dahil sa kawalan naman ng quorum.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG ANTI-POLITICAL DY

ANTI-POLITICAL DYNASTY

BANGSAMORO BASIC LAW

FREDINIL CASTRO

HOUSE COMMITTEE

ITO

KAMARA

PANGULONG AQUINO

PANGULONG AQUNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with