^

Bansa

Dayuhan sa black sand mining arestuhin - Bureau of Mines and Geosciences Bureau

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinaaaresto ng Bureau of Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang nasa likod ng umano’y illegal mining activities na kinasasangkutan umano ng mga Indian nationals na sinasabing nakapagbenta ng may 33,330 metric tons ng black sand kahit walang permiso mula sa dati nilang kumpanya.

Ito ay makaraang ipa­ngako ni MGB director Leo Jasareno na hindi sila titigil na masabat ang naturang mga dayuhan kapag napatunayang may sapat na ebidensiya kaugnay ng illegal na aktibidad sa San Marcelino, Zambales.

Sinasabing ang Indian nationals na sina Maqsood Ahmed Khan at Koyanna Venugopal Krishna Reddy, pawang mula sa Bangladore India ay iniimbestigahan ng mga otoridad nang ang kanilang pangalan ay kabilang sa sinasabing nasa likod ng pagbebenta ng black sand mula sa naturang lugar na nakasaad naman sa reklamo na naipadala ni Atty. Argee Guevarra noong January 12, 2015 kay  Executive Sec. Paquito Ochoa Jr.

Giit ni Atty. Guevarra na maimbestigahan agad ang naturang mga dayuhan dahil sa posibleng paglabag sa money laundering law  nang malaman na si Khan ay nagsabing nakapagbenta sila ng 33,330 metric tons ng black sand sa China at ang napagbentahan ay napunta sa Mali.

Ani Guevarra, malaki ang kanilang paniwala na ang naturang mga dayuhan ay may kaugnayan sa isang foreign threat organisation na nakabase sa Mali nang aminin nilang ang pera na napagbentahan sa buhangin na may halagang US$6 milyon ay ginamit bilang umano’y protection money para maiwasang maharas ng teroristang grupo.

vuukle comment

ANI GUEVARRA

ARGEE GUEVARRA

BANGLADORE INDIA

BUREAU OF MINES AND GEOSCIENCES BUREAU

EXECUTIVE SEC

KOYANNA VENUGOPAL KRISHNA REDDY

LEO JASARENO

MAQSOOD AHMED KHAN

PAQUITO OCHOA JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with