^

Bansa

Bagyong Amang, LPA na lamang

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mula sa pagiging isang malakas na bagyo si Amang ay naging isa na lamang itong low pressure area (LPA) kahapon matapos na manalasa sa Eastern Visayas at Bicol Region.

Ayon sa PAGASA, naapektuhan ng naturang bagyo ang ibang mga weather system kayat naging LPA na lamang ito.

Alas-10:00 ng umaga kahapon, ang LPA na dating si Amang ay namataan ng PAGASA sa layong 85 kilometro ng hilagang silangan ng Casiguran Aurora.

Inaasahan na ang naturang sama ng panahon ay magdudulot ng maulap na kalangitan na may mahinang pag ulan sa bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos.

Gayunman, patuloy na pinapayuhan ng PagAsa ang mga mangingisda sa naturang mga lugar na gamit ay bangka  na huwag munang papalaot dahil sa malalaking alon sa karagatan laluna sa mga baybayin ng Northern at Central Luzon gayundin sa silangang bahagi ng karagatan ng  Southern Luzon.

Maaliwalas naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila.

vuukle comment

AYON

BICOL REGION

CAGAYAN VALLEY

CASIGURAN AURORA

CENTRAL LUZON

EASTERN VISAYAS

GAYUNMAN

ILOCOS

METRO MANILA

SOUTHERN LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with