^

Bansa

Drug operation sa NBP patuloy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inamin ni Justice Secretary Leila de Lima na  patuloy ang  drug operation sa New Bilibid Prison sa kabila ng sunud-sunod nang pagsalakay  dito.

Ayon kay de Lima, bigo silang masawata ang   droga sa  NBP kahit na  ilang ulit ng ni-raid ito matapos na makadiskubre ng ilang mga  black books o notebooks na listahan ng mga drug transactions mula sa ilang mga inmates.

Aniya, sa nakita nilang   drug transaction, indikasyon lamang ito na may nagmamaniobra pa rin  ng pailalim subalit hindi naman sila umano titigil hangga’t hindi  nauubos ang mga ito.

“Kanina lang, may nakita uling log books at notebooks ng drug transactions. Ongoing talaga ang operations after major raid nong December 15. What I can confirm to you is that they represent drug transactions,” ani de Lima.

Bagama’t may tukoy na silang tao,  sinabi ni de Lima na mas kailangan ang malalim na intelligence   network upang mabunyag ang  nag-o-operate  nito sa ngayon.

vuukle comment

ANIYA

AYON

BAGAMA

DRUG

INAMIN

JUSTICE SECRETARY LEILA

KANINA

NEW BILIBID PRISON

WHAT I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with