^

Bansa

Killer ng CIDG agent timbog

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Naaresto ng mga awtoridad ang isa sa dalawang lalaking res­ponsable sa paglikida ng isang confidential agent ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong nakalipas na taon sa followup operation sa Brgy. Sta. Ines, Bulakan, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Hindi na nakapalag pa ng arestuhin ang suspek na si Benjie Cruz, 31, pintor at residente ng Brgy. Sta. Ines sa naturang bayan.

Base sa ulat ni Chief Ins­pector Reynaldo Mag­daluyo ng CIDG-Bulacan dakong ala-1 ng madaling araw habang nagsasagawa ng pagmamanman ang kanyang mga tauhan ay namataan ang suspek na naglalakad sa kahabaan ng naturang lugar at ng sitahin ay dito na nakarekober ang isang super .38 kalibre ng baril,mga bala, 2 pakete ng shabu at mga drug paraphernalias.

Nabatid din na ang suspek ang responsable sa paglikida sa biktimang si Genesis Dela Cruz, 22, residente din ng naturang lugar at isa sa confidential agent ng naturang unit ng pulisya. Kasalukuyan namang  pinaghahanap  ang kasabwat nitong si Zaldy Barabas na kilalang drug pusher at gun for hire sa kanilang lugar.

Sa rekord ng pulisya binaril at napatay ng dalawang suspek ang biktima noong gabi ng Disyembre 30, 2014.

vuukle comment

BENJIE CRUZ

BRGY

BULACAN

BULAKAN

CHIEF INS

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

GENESIS DELA CRUZ

REYNALDO MAG

ZALDY BARABAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with