^

Bansa

Ona walang sama ng loob kay PNoy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nilinaw ng nagbitiw na si Health Secretary Enrique Ona na wala siyang anumang sama ng loob kay Pa­ngulong Aquino sa pagtanggap ng chief executive sa kanyang paglisan sa tungkulin.

Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ni Ona na hindi niya ito tinitingnan sa ganoong aspeto sa kabila ng mistulang pinabayaan ang dating kalihim kumpara sa ibang miyembro ng gabinete na nasasangkot din sa kontrobersiya.

Pinanindigan ni Ona na walang anumang anomalya na naganap sa ilalim ng kanyang panunungkulan sa DOH sa loob ng mahigit apat na taon.

Anya, kumpiyansa siyang lalabas sa report ng NBI na wala siyang kinalaman sa sinasabing anomalya sa vaccination program ng gobyerno.

Giniit ni Ona na mas mura at mas mabisa ang gamot na PCV 10 na kanilang pinili na may higit na tulong para mapangalagaan ang kalusugan ng mga batang Pilipino sa susunod na mga panahon.

Sa tanong kung ano ang mensahe niya kay Pangulong Aquino, binati ni Ona si PNoy ng Merry Christmas and Happy New Year.

vuukle comment

ANYA

AQUINO

GINIIT

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR

NILINAW

PANGULONG AQUINO

PILIPINO

PINANINDIGAN

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with