^

Bansa

6 condo units ni Binay tinukoy ni Mercado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinukoy kahapon ni dating Vice Mayor Ernesto Mercado ang anim na condominium units na pag-aari umano ni Vice Pres. Jejomar Binay pero nakapangalan sa ibang tao.

Sa pagpapatuloy ng hearing kahapon ng Senate Blue Ribbon sub-committee, sinabi ni Mercado na “open secret” sa Makati ang pagkakaroon ni Binay ng isang unit sa bawat itinatayong condominium building kalapit ng matitipid na buwis ng developer at occupancy permit at maging building permit.

Pero paglilinaw ni Mercado, hindi naman 100% ang pagkakaroon ni Binay ng bawat unit kundi nasa 60 hanggang 70 porsiyento lamang.

Anim na condominium units ang tinukoy ni Mercado na diumano’y pag-aari ni Binay pero ipinangalan sa iba’t ibang indibiduwal na may koneksiyon rin sa kanya. Kabilang dito ang The Peak Condominium, Le Triomphe Condo, Makati Sunrise Towers Hotel (ngayon ay Berjaya Hotel), Perla Compania de Seguros Mansion Condotel, Prince Plaza II Condotel at  Avignon Tower.

Ipinakita rin ni Mercado sa pagdinig ang mga dokumento na magpapatunay na ang address ng mga dummy ni Binay ay sa City Engineering Office ng Makati.

Balak ng subcommittee ni Sen. Koko Pimentel na ipatawag sa susunod pang pagdinig ang mga sinasabing dummy ni Binay upang maibigay ang kanilang panig.

Sinabi rin ni Pimentel na ang pagdinig kahapon ang pinaka-huli nila ngayong taon dahil mas bibigyan ng prayoridad ang pagpasa sa national budget para sa 2015.

vuukle comment

AVIGNON TOWER

BERJAYA HOTEL

BINAY

CITY ENGINEERING OFFICE

JEJOMAR BINAY

KOKO PIMENTEL

LE TRIOMPHE CONDO

MAKATI

MAKATI SUNRISE TOWERS HOTEL

MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with