^

Bansa

Na handang labanan si PNoy sa 2016: Palasyo dedma sa pahayag ni Binay

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ayaw pang patulan ng Malacañang ang napaulat na pahayag ni Vice President Jejomar Binay na nakahanda itong kalabanin si Pangulong Noynoy Aquino sa 2016 presidential elections.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, sa ngayon ay wala pang announcement dahil wala pa ang nasabing pangyayari.

Idinagdag pa nito na posibleng nagpapaka-totoo lang si Binay sa kanyang naging pahayag na handang labanan si Pnoy.

Nauna rito, nabuhay ang isyu ng Charter Change o Cha-cha ng big­lang may mga kaalyado si Pangulong Aquino na humihikayat na palawigin pa ang kanyang termino.

Nakatakdang matapos ang anim na taong pa­nunungkulan ni Aquino sa Palasyo sa 2016.

Bukod kay Binay, napapaulat na tatakbo ring presidente at magiging pambato umano ng Li­beral Party si DILG Sec. Mar Roxas. Lumulutang rin ang mga pangalan nina Senators Antonio Trillanes, Ferdinand “Bongbong” Marcos, Alan Peter Cayetano at Grace Poe.

vuukle comment

ABIGAIL VALTE

ALAN PETER CAYETANO

BINAY

CHARTER CHANGE

GRACE POE

MAR ROXAS

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SENATORS ANTONIO TRILLANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with