^

Bansa

Ejercito ‘di bababa, 100 pulis idineploy sa Laguna

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagdeploy na kahapon ang Philippine National Police (PNP) ng 100 pulis sa kapitolyo ng Laguna kaugnay ng standoff sa pagitan ng mga supporters ng itinalagang bagong gobernador at pinatalsik na si Laguna Gov. Emilio Ramon “ER” Ejercito dahil umano sa overspending noong 2013 elections.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, C/Supt. Reuben Theodore Sindac, ipatutupad ng kapulisan ang pagpapanatili ng peace and order upang maging maayos ang paglilipat ng liderato ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna.

Kahapon ay naisilbi na ang ‘writ of execution’ mula sa Comelec laban kay Ejercito na tumangging bumaba habang hinihintay pa ang desis­yon ng Korte Suprema sa kaniyang inapelang mosyon.

Bandang alas-3 ng hapon nang isilbi ni DILG Region IV-A Director Josefina Go ang kautusan sa kapitolyo at kalmado namang tinanggap ni Ejercito

Nangangahulugan na epektibo kahapon ay si Ramil Hernandez na ang kikilalaning gobernador ng Laguna.

Maaari pa naman umanong manatili sa kapitolyo si Ejercito ngunit hindi na ito pipirma, mag-uutos o gagawa ng iba pang tungkulin ng isang gobernador.

Sa kasalukuyan ay tensiyonado pa rin ang sitwasyon sa kapitolyo ng Laguna sa pagitan ng mga tagasuporta nina Ejercito at Hernandez.

Si Hernandez ay sa gymnasium ng provincial capitol nag-oopisina dahil hindi pa umaalis sa puwesto si Ejercito.

Nabatid kay Sindac na nagsagawa ng security conference ang Police Regional Office (PRO) IV A para sa paiiraling seguridad upang maiwasan ang anumang karahasan.

Sa ngayon ay ta­nging ang status quo ante order na lang mula sa SC ang makakatulong kay Ejercito para mabawi ang puwesto.

A DIRECTOR JOSEFINA GO

EJERCITO

EMILIO RAMON

KORTE SUPREMA

LAGUNA GOV

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE REGIONAL OFFICE

PUBLIC INFORMATION OFFICE CHIEF

RAMIL HERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with