^

Bansa

Andrea Rosal pinayagan ng korte sa burol ng anak

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayagan ng Pasig City court ang umano’y NPA leader na si Andrea Rosal na makadalo sa burol ng kanyang sanggol na nasawi dalawang araw matapos niya itong isilang sa Philippine General Hospital (PGH).

Gayunman, tatlong oras lamang o mula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon ngayong Miyerkules ang ibinigay sa kanya ni Pasig Regional Trial Court Branch 266 Judge Toribio Ilao upang makapiling sa huling sandali ang kanyang sanggol.

Hindi rin naman pinayagan ng hukuman si Rosal, na anak ng yumaong si NPA spokesperson Gregorio “Ka Roger” Rosal, na makadalo sa libing ng kanyang anak sa Mayo 22 sa Ibaan, Batangas dahil maituturing umanong high risk area ang Ibaan, na siyang hometown ng suspek

Si Rosal, na noon ay pitong buwang buntis ay inaresto sa Caloocan City noong Marso 27 at idinetine sa Bureau of Jail Management and Penology special intensive care area sa Camp Bagong Diwa, Taguig sa kasong kidnapping with murder dahil sa pagdukot at pagpatay sa isang sundalo at isang lalaki sa Laguna noong 2007.

vuukle comment

ANDREA ROSAL

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CALOOCAN CITY

CAMP BAGONG DIWA

IBAAN

JUDGE TORIBIO ILAO

KA ROGER

PASIG CITY

PASIG REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

SI ROSAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with