^

Bansa

Pekeng P500, P1,000 nagkalat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang PNP-Criminal Inves­tigation and Detection Group sa naglipanang mga pekeng P200, P500 at P1,000 peso bill sa bansa partikular na sa Metro Manila.

Ito’y kasunod ng pagkakasamsam ng P50,000 pekeng pera sa mag-asawang Virgilo Bocabar at Violeta Bendijo sa operasyon sa Taguig City.

Ayon kay Supt Alexander Tagum, hepe ng PNP-CIDG-Anti-Organized Crime Division, sinam­pahan na ng kasong kriminal ang mga suspect.

Nabatid na ibinebenta ng mag-asawa ang pekeng P500 sa halagang P150 sa Metro Manila habang­ ang pekeng 1,000 bill ay ipinakakalat naman ng isang big time syndicate sa Visayas Region.

Ang mga pekeng pera ay ipinalalabas sa black market at maging sa mga malls sa Metro Manila.

Ayon pa rito, ang pekeng pera ay ginagawa ng sindikato gamit ang mga modernong makina  kung saan maging ang security seal ay kinokopya rin ng mga ito upang magmukhang tunay.

 

vuukle comment

ANTI-ORGANIZED CRIME DIVISION

AYON

CRIMINAL INVES

DETECTION GROUP

METRO MANILA

SUPT ALEXANDER TAGUM

TAGUIG CITY

VIOLETA BENDIJO

VIRGILO BOCABAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with