^

Bansa

Banta ni Jinggoy blackmail - De Lima

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinawag ni Justice Secretary Leila de Lima na isang blackmail ang banta ni Sen. Jinggoy Estrada na haharangin ang kaniyang kumpirmasyon sa Commission on Appointments (CA) para sa pagiging kalihim ng Department of Justice.

Aminado rin si de Lima na wala siyang magagawa kung ituloy man ito ng senador.

Gayunman, anang kalihim, kung patuloy na magbabanta si Estrada na i-invoke nito ang Section 20 ng rules ng CA sa oras na sumalang siya sa hearing ay isa itong blackmail.

Dahil dito, nagdadalawang-isip tuloy si de Lima kung haharap pa ba siya sa confirmation hearing sa oras na ipatawag siya ng CA.

Mawawalan din aniya ng saysay ang kanyang pagsagot sa mga isyu sa CA panel at wala siyang magagawa kung pipigilan naman din pala ng isa anyang ‘naghahari-harian’ sa Senado ang kanyang kumpirmasyon.

Giit ni de Lima, ginagawa lang niya ang kanyang trabaho bilang DOJ secretary.

Ang mas mahalaga aniya ay nananatili ang tiwala at suporta sa kanya ni Pangulong Aquino at ng publiko habang siya naman ay tuloy lamang sa pagganap sa tungkulin.

Hindi rin umano mahalaga ang mga sinasabi ni Estrada.

Si Estrada ay isa sa tatlong senador na may kinakaharap na kasong plunder na inihain ng DOJ sa Office of the Ombudsman kaugnay sa P10-bilyong pork barrel fund scam.

Una nang nagpahayag si Jinggoy na igigiit niya ang Section 20 ng CA rule, na nagbibigay-daan upang ang miyembro ng CA ay magawang hara­ngin ang kumpirmasyon ng sinumang nominado sa appointment kahit walang dahilan.

vuukle comment

AMINADO

DAHIL

DEPARTMENT OF JUSTICE

GAYUNMAN

JINGGOY ESTRADA

JUSTICE SECRETARY LEILA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PANGULONG AQUINO

SI ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with