^

Bansa

‘David Tan’ no show sa Senado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi sumipot ang negosyanteng si Davidson Bangayan, na itinuturong nasa likod ng rice smuggling sa bansa, sa pagdinig ng Senate Committee Agriculture and Food ngayong Lunes.

Sinabi ng abogado ni Bangayan na si Benito Salazar na kasalukuyang naka-confine ang kanyang kliyente sa Laoag General Hospital dahil sa pananakit ng likod.

Banggit ni Salazar na nagbuhat ng mabigat na bagay si Bangayan na nagresulta sa pananakit ng likuran at kahirapan sa paglalakad.

Kaugnay na balita: Kasong perjury isinampa ng Senado vs. Bangayan

Aniya handa siyang magpakita ng medical certificate upang patunayang hindi talaga kaya ni Bangayan na makadalo sa Senado.

Nitong Pebrero 7 ay kinasuhan ng Senado si Bangayan ng perjury sa National Prosecution Service dahil sa umano’y pagsisinungaling tungkol sa pagkakakilanlan ng itinuturong nasa likod ng bilyung-bilyong rice smuggling na si David Tan.

Itinanggi ni Bangayan na siya si David Tan.

Inaresto rin ng National Bureau of Investigation si Bangayan para sa kasong electricity pilferage ngunit kaagad din siyang nakalaya matapos magbayad ng piyansa.

vuukle comment

ANIYA

BANGAYAN

BENITO SALAZAR

DAVID TAN

DAVIDSON BANGAYAN

LAOAG GENERAL HOSPITAL

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL PROSECUTION SERVICE

NITONG PEBRERO

SENADO

SENATE COMMITTEE AGRICULTURE AND FOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with