^

Bansa

Govt. projects, pinabubusisi sa COA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinabubusisi ng Abo­lish Pork Movement sa Commission on Audit (COA) ang bilyon-bilyong pisong halaga ng mga proyekto ng administras­yong Aquino mula taong  2011 at 2012 sa ilalim Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ang hakbang ay iginiit ng naturang grupo sa COA nang ang mga miyembro nito na pinangu­ngunahan ng isang Mary John Mananzan  ay sumugod kahapon ng umaga sa naturang ahensiya para ibigay ang kanilang liham kay COA Chairperson Grace Pulido-Tan.

Gayunman, inisnab naman ni Tan ang kanilang kahilingan na ma-audit  ang DAP project ng pamahalaang Aquino bagkus ay binigyan ang naturang  grupo ng kopya ng 2011 annual financial report na nagsasaad ng mga proyektong ginas­tusan ng mga ahensya ng pamahalaan.

Inabisuhan sila ni Tan na  hanapin na lamang sa talaan ang mga proyekto ng pamahalaan na  nais nilang masuri. Binigyang diin ni Ma­nan­zan na pina-o-audit nila ang mga DAP projects ng pamahalaang Aquino dahil sa paniwalang wala itong positibong epekto sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Partikular na pina o-audit ng naturang grupo ang P53 bilyong halaga ng 12 proyekto ng pamahalaan tulad ng P5.4 bil­yong pondo ng Department of Agrarian Reform (DAR) na ipinambayad sa mga land owners,  P5.5 bilyong infrastructure project na inirekomenda ng mga lokal na pamahalaan noong 2011,  P6.5 bilyong Local Government Unit (LGU) support fund ng DILG at Department of Budget and Management (DBM) at ang  mahigit P8 bilyon para sa priority local projects nationwide.

 

vuukle comment

AQUINO

CHAIRPERSON GRACE PULIDO-TAN

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

LOCAL GOVERNMENT UNIT

MARY JOHN MANANZAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with