^

Bansa

Paglilinaw

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ng imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, na mali ang nakuhang address sa napatay na pedicab driver noong Enero 19 ng madaling araw at napaulat sa mga pahayagan.

Una umanong nakuha ang ibinigay na address ng kaibigan para sa napatay na biktimang si Jay-Ar Lagmay, 18, na unang naireport na residente ng 450 Makisig St., Sta.Mesa, Maynila. Subalit nang magtungo umano ang ilang kamag-anak ay napag-alaman na sa Novaliches ang tunay nitong tirahan. Nagtataka naman ang kasalukuyang may-ari ng nasabing address nang mabasa sa pahayagan ang ulat dahil walang Jay-Ar Lagmay na nakatira sa kanila. Matatandaang nanood lamang ng dance contest sa bisperas ng pista sa Pandacan ang biktima kasama ang mga kaibigang sina Pancho Sandugan Jr., 20; at Dean Angelo Arellano, 19, nang papauwi na ay dumaan sa panulukan ng Bacood at Bataan Sts., sa Sta. Mesa. Doon sila hinarang ng 3 lasing na suspek at nasaksak na ikinasawi ng biktima.

 

vuukle comment

BACOOD

BATAAN STS

DEAN ANGELO ARELLANO

ENERO

JAY-AR LAGMAY

MAKISIG ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MATATANDAANG

MAYNILA

PANCHO SANDUGAN JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with