^

Bansa

133 sundalo positibo sa droga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Umaabot sa 133 sundalo ang positibo sa paggamit ng illegal na droga kaugnay ng isinagawang random drug testing sa mga opisyal at miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang inihayag kahapon ni AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala II base sa resulta ng pagsusuri sa hanay kaugnay ng pinalakas na anti-drug campaign.

“It’s part of our security reforms as well as a mark of improving our organization,” ani Zagala na aminadong walang perpektong organisasyon at bilang bahagi ng determinadong hakbang kontra droga ay sinibak na sa puwesto ang mga sun­dalong positibo sa droga.

“Following its achievements in eliminating drug influence within the military, the Armed Forces of the Philippines (AFP) is increasing its target recipients of random drug-tests by 20% this year,” dagdag pa ni Zagala.

Sinabi ni Zagala na bilang patunay na  determinado ang AFP sa krusada kontra illegal na droga ay minabuti nilang isapubliko ang resulta ng drug test laban sa 113 na lumitaw na positibo sa droga  base sa pagsusuri nitong huling bahagi ng 2013.

Kabilang sa mga positibo sa paggamit ng droga ay 13 mula sa Task Group Jacob mula sa General Headquarters, 12 sa Task Group Joshua (Phi­lippine Air Force), 18 mula sa Task Force Salamander (Philippine Navy) at 70 naman sa Task Group Midas (Phi­lippine Army).

Nabatid na 20,000 personnel ng AFP ang tinarget maisalang sa drug test kung saan pinakamarami ang sumailalim sa pagsusuri sa Philippine Army na nasa 8,000 o 83.6% na target.

Samantala, lumilitaw pa sa tabulasyon ng Task Force Moses na konti lamang ang gumagamit ng droga sa Philippine Air Force  habang mas mataas na porsiyento ay mula sa Philippine Army, Philippine Navy partikular na ang hukbo nitong Philippine Marines .

Nabatid pa na karamihan sa mga gumagamit ng droga sa mga nabanggit na hanay ay may ranggong staff sergeant 5%, petty officer­ 2; 12% sa sergeant/petty officer 3; 26% ay mga corporal/airman 1st class/seaman 1st class; 51% ay mga private first class /airman 2nd class, 2nd class/seaman 2nd class at 6% naman ang private/airman /seaman.

“Despite this, TF Moses in its effort to reach a wider audience and to deliver a more effective campaign is stepping-up its information drive for a healthier, stronger and drug-free AFP. Bracing for more challenges in the future, it has decided to increase its target recipients of random drug testing by 20% for this year,” paliwanag pa ng opisyal.

 

vuukle comment

AIR FORCE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DROGA

DRUG

GENERAL HEADQUARTERS

PHILIPPINE ARMY

PHILIPPINE NAVY

ZAGALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with