^

Bansa

Simula 2014 Orasan isunod sa PhST - DOST

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinikayat ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga Pilipino na isabay ang mga orasan sa Philippine Standard Time (PhST) ngayong 2014 upang makatulong sa paglago ng ekonomiya sa pagsunod sa tamang oras sa trabaho at ibang tran­saksyon.

“We urge Filipinos to synchronize their watches with PhST in welcoming New Year’s Day,” ani DOST Secretry Mario Montejo.

Isusunod ang oras sa orasan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang opisyal na “timekeeper” ng bansa. 

Nakiisa rin naman umano ang mga lahat ng broadcasting network sa bansa na isunod ang kanilang orasan sa PhST habang muling pinaalalahanan ang mga opisina ng pamahalaan na sumunod rin dito base sa isinasaad ng Republic Act 10535 o Philippine Standard Time Act of 2013.

Nakasaad rin sa ba­gong batas ang pagkakaroon ng National Time Consciousness Week na nakatakdang ilunsad ngayong Enero 1, 2014 at may temang “Juan Time: PinoyAko, On-Time Ako!”

Ang kampanya umano ay upang malabanan ng negatibong konotasyon sa pagiging palaging huli ng mga Pilipino sa takdang oras, kawalang disiplina at walang pakialam sa oras ng iba. Pinaalala ng DOST na ang palaging pagiging huli sa takdang oras ay nagreresulta sa pagkawala ng mga oportunidad at nag-aambag sa pagbaba ng ekonomiya.

Sinabi rin ng DOST na nakiisa na rin ang mga nangungunang “telecommunication companies” sa pagsabay sa PhST.

vuukle comment

ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

JUAN TIME

NATIONAL TIME CONSCIOUSNESS WEEK

NEW YEAR

ON-TIME AKO

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

PHILIPPINE STANDARD TIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with