Trump nasa Pinas na para sa ASEAN

MANILA, Philippines — Dumating na sa Pilipinas si United States President Donald Trump para dumalo sa 49th ASEAN Summit and Related Summit at ASEAN-US Special Summit.
Bandang alas-5:33 ng hapon ng lumapag si Trump sa Ninoy Aquino international Airport (NAIA) Balabag ramp.
Sinalubong ang presidente ng Amerika nina Executive Secretary Ralph Recto, House Majority Leader Sandro Marcos, US Ambassador Jose Manuel Romualdez, US Ambassador to the Philippines Lee Lipton at Pasay City Mayor Emie Calixto.
Matapos ang ilang minuto ay sumakay si Trump sa “Marine One” at dumiretos sa Solaire Resort, Parañaque kung saan siya pansamantalang manunuluyan ng ilang araw.
Ngayong araw ay magtutungo si Trump sa Malacañang Palace kung saan inaasahan na magkakaroon sila ng bilateral meetings si Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Dumalo si Trump sa huling araw ng Summit at inaasahang babalik sa Amerika ngayong araw matapos ang kanilang pagpupulong ni Pangulong Marcos.
- Latest



















