^

Bansa

Mga residente sa Bohol pinalilikas dahil sa sinkhole

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinapalikas na ang halos 200 residente ng Tag­bilaran City dahil sa peligro kasunod ng pag­kakadiskubre ng da­la­wang malalaking sink­hole na nilikha ng 7.2 magnitude na lindol sa Bohol noong Oktubre 15.

Sa ulat na ipinarating ng Mines and Geo­sciences Bureau (MGB) sa Office of Civil Defense (OCD) Region 7, ang nakitang malaking sinkhole sa Brgy. Poblacion 1 ng Tag­bilaran City ay posibleng lumaki pa at magbunsod ng landslide.

Dahil sa nagmistulang kuweba na rin ang mga nilikhang bitak sa ilalim ng lupa sa ibabaw na ­ki­natitirikan ng mga kaba­hayan dito ay kailangan ng pali­kasin ang mga residente.

Nangangamba ang mga opisyal na sa oras na sumama ang panahon lalo na ang malalakas na pagbuhos ng ulan ay magkaroon ng landslide  sa lugar na peligroso sa buhay ng mga tao rito.

Sa kabila nito ay tu­ matanggi naman umano ang mga resi­dente na lisanin ang kanilang mga tahanan sa katwirang hindi pa naman umano umuulan sa lugar at wala silang matutuluyan.

Kasalukuyan na­mang nagsasagawa ng pag-iinspeksyon sa na­diskubre pang karag­da­gang sinkhole ang mga opisyal ng MGB at Phivolcs.

Magugunita na ma­tapos na yanigin ng ma­paminsalang lindol ay nauna nang lumitaw ang anim na sinkhole, isa rito ay sa Lapu-Lapu City Cebu at lima pa sa iba’t ibang bayan ng Bohol.

vuukle comment

BOHOL

BRGY

DAHIL

KASALUKUYAN

LAPU-LAPU CITY CEBU

MINES AND GEO

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with