^

Bansa

Bagong kasunduan magbibigay pag-asa sa mga magsasaka

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaasahang magbebenepisyo ang mga magsasaka sa bansa sa ilalim ng kasunduan sa pagitan ng Calata Corporation at New Hope Group (NHG) ng China para ilunsad ang bagong brand ng animal feeds na maibebenta sa buong Pilipinas.

Ayon kay Joseph Calata, chairman at Chief Executive Officer ng Calata Corp., ang NHG ay isa sa pinakamalaking producer ng feeds sa buong China mula sa kapasidad nito na makalikha ng 26.6 milyong tonelada ng animal feeds. Ang nabanggit ding kumpan­ya ang isa sa pinakamalawak na supplier ng karne, itlog at dairy pro­ducts sa nabanggit na bansa kung saan kumikita ito ng tinatayang 8.8 bilyong dolyar kada taon.

Bukod sa Pilipinas, meron din pasilidad ang NHG sa Vietnam, Bangladesh, Bengal at Indonesia.

Ang produkto na ipapakilala ng Calata at NHG ay tatawagin na Golden Bean feeds. Hindi lang sa Central at Northern Luzon ito maipamamahagi kundi makakarating din ito sa mga probinsiya sa Visayas at Mindanao na kilala sa industriya ng agrikultura.

vuukle comment

AYON

CALATA CORP

CALATA CORPORATION

CHIEF EXECUTIVE OFFICER

GOLDEN BEAN

JOSEPH CALATA

NEW HOPE GROUP

NORTHERN LUZON

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with