^

Bansa

AFP-DND sabit din sa DAP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakinabang din ang Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) at Department of National Defense (DND) sa sumingaw na kontrobersyal na isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP) na bahagi ng multi-million discretionary fund ni Pa­ngulong Aquino.

Ito ang inamin ng tanggapan ng DND sa mainit na usapin ng DAP ng mga mambabatas at ng iba pang opisyal ng gobyerno na nais ng ilang sektor na tanggalin na dahilan na­giging ugat ng korapsyon.

Sa inilabas na paha­yag ng DND, sinasabing umaabot sa P665.6 mil­yon mula sa DAP ang ti­nanggap nila sa pagitan ng 2011 at 2012 na ipinalabas ng Department of Budget ang Management.

Napunta ang P397.3 milyon sa Philippine Air Force (PAF) para sa pagbili ng search and rescue equipment at pagsasaa­yos ng pasilidad nito sa Air Education and Training Command (AETC) sa Lipa City, Batangas.

Ang Presidential Security Group (PSG) naman ay nakatanggap ng P248.3 M para sa communication enhancement kabilang ang pagsasaayos ng mga gusali at barracks, pagkakabit ng CCTV cameras sa Palas­yo ng Malacañang at pag-upgrade ng kagamitan sa digital mula analog.

Sinabi ng tanggapan ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na inaprubahan at pinondohan ng Budget Department ang nasabing mga proyekto.

Gayunman, kung pag­sasamahin ang naturang mga halaga, lumilitaw na P645.6 milyon lamang ito.

Wala namang maipaliwanag si Defense spokesman Dr. Peter Paul Galvez kung saan napunta ang P20 milyong pondo subalit may impormasyon na pinaghatian umano ng Philippine Army at Philippine Navy ang naturang halaga.

vuukle comment

AIR EDUCATION AND TRAINING COMMAND

ANG PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

ARMED FORCES OF THE PHI

BUDGET DEPARTMENT

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

DEPARTMENT OF BUDGET

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with