PANOORIN: Raffy Tulfo sa prosecution: ‘Minsan pumapalpak-palpak’
MANILA, Philippines — Sinita ni Sen. Raffy Tulfo ang prosecution panel sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong Huwebes, Oktubre 1 dahil sa paraan ng pagpili at pagharap nito ng mga witness sa impeachment court.
Tinanong ni Tulfo kung kailan ihaharap ng prosecution si dating Sen. Antonio Trillanes IV at iginiit na dapat tiyaking may malinaw na maitutulong sa kaso ang bawat testigong ipiprisinta.
“Yung prosecution minsan pumapalpak-palpak. Nagsasayang tayo ng oras. Parang useless eh,” ani Tulfo.
Ayon sa senador, hindi dapat masayang ang oras ng impeachment court sa mga witness na hindi makatutulong nang malinaw sa paglilitis.
- Latest



















