Anomalya sa P5-B utang ng Gapo sa PSALM itinanggi
MANILA, Philippines - Itinanggi ni dating Olongapo City Mayor James “Bong†Gordon, Jr. na may anomalya sa pagkakautang ng lungsod sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM) na umaabot sa P5 bilyon.
Sinabi ni Gordon na malinaw sa rekord ng Public Utilities Department (PUD) ng siyudad at ng PSALM kung paano lumobo ang utang sa kuryente ng Olongapo.
Iginiit ni Gordon na hindi lingid sa kaalaman ng lahat kabilang na ang kasalukuyang alkaldeng si Rolen Paulino na talagang malaki ang pagkakautang ng lungsod sa PSALM at sinikap niyang mabayaran ito subali’t ang malaking bahagi ng ibinabayad ng Olongapo ay napupunta lamang sa interes na ipinapatong sa orihinal nitong obligasyon.
Idinagdag pa ni Gordon na batid ng Sangguniang Panlungsod kung saan si Paulino ang dating presiding officer bilang bise alkalde, na bukod sa nahihirapan sa pagbabayad ang PUD na siyang tagapamahala ng power supply sa siyudad ay nalulugi pa ang operasyon nito dahil sa systems losses sanhi ng mga luma ng kawad ng kuryente at transmission facilities. Dagdag pa rito ay sinasagot ng pamahalaang lungsod ang konsumo sa kuryente ng ospital, mga barangay hall, pampublikong paaralan, day care centers, tanggapan ng PNP at iba pang ahensiya ng national government.
Ito aniya ang dahilan kaya’t pumasok sa Private-Public Partnership Agreement ang pamahalaang lungsod sa Cagayan Electric Power and Light Company (CEPALCO).
“Kung hindi isasa-pribado ang pamamahala sa power distribution ng Olongapo ay patuloy na mababaon sa utang ang lungsod at hindi maisasagawa ang modernisasyon ng mga pasilidad. Ito ay dahil walang kakayanan ang lokal na pamahalaan upang pondohan ang pagsasaayos na kailangang gawin para mapunuan ang pangaÂngailangan sa kuryente ng lumalagong ekonomiya,†paliwanag ni Gordon.
Wala rin umanong katotohanan na nanganib maputulan ng kuryente ang Olongapo nuong Hulyo 3, 2013.
Nilinaw ni Gordon na nuon pang Abril ay nakipag-usap siya kay Energy Secretary Carlos Petilla at PSALM President Emmanuel Ledesma kung saan napagkasunduan ang debt restructuring sa kaso ng Olongapo. Kahi’t kailan, ayon kay Gordon, ay walang nabanggit sa pag-uusap ang tungkol sa bantang pagpuputol ng serbisyo ng kuryente sa Olongapo.
- Latest


















