^

Bansa

‘Bomber’ sa CDO may mukha na

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hawak na ng Police Regional Office (PRO) 10 ang artist sketch ng suspect sa pagpapasabog sa isang bistro bar sa Cagayan de Oro kung saan anim ang nasawi habang mahigit sa 30 pa ang sugatan nitong Biyernes.

Ayon kay PRO 10 commander Chief Supt. Catalino Rodriguez, Jr., nabuo ang larawan sa panayam na rin sa mga testigo.

Ayon sa mga testigo, nakita nila ang isang lalaki na nag-iwan ng backpack sa naturang bar ilang sandali bago ang naturang pagsabog.

Ang artist sketch ng posibleng suspect ay ipapakita sa mga testigo at mga nasugatang biktima, para masubukang matukoy ang pagkakakilanlan nito.

Kabilang sa nasawi ang isang board member ng Misamis Oriental, na nauna nang sinabing nakatatanggap ng death threat bago ang insidente.

Inutos na rin ni Interior and Local Secretary Mar Roxas ang reconstruction sa crime scene, ito’y matapos magalit ang kalihim sa Cagayan de Oro police dahil sa ginawang paglilinis ng mga ito sa lugar at pagsira sa posibleng ebidensya na makakatulong sana sa imbestigasyon.

vuukle comment

AYON

BIYERNES

CATALINO RODRIGUEZ

CHIEF SUPT

HAWAK

INUTOS

MISAMIS ORIENTAL

ORO

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with