^

Bansa

Mancao takot sa shoot-to-kill

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pa­ngamba si dating Police Senior Supt. Cesar Mancao sa posibilidad na iutos ng pamahalaan ang shoot-to-kill laban sa kanya matapos ang kanyang ginawang pagtakas mula sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ginawa ni Mancao ang pagtakas matapos nitong malaman na siya ay ililipat sa Manila City Jail alinsunod sa utos ng korte.

“’Wag naman sanang umabot kami sa ganun (shoot to kill). ‘Wag lang kaming ilagay sa gipit. Tip of the iceberg na ito. Sa aking paghihirap noon para sa bansa, sana hindi masayang,” panawagan ni Mancao,

Ayon kay Mancao mas nakakakita siya ng hustis­ya sa labas ng kulungan.

Si Mancao ang pangunahing suspect sa  pamamaslang sa publicist na si Salvador Bubby Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito noong 2000.

Hindi na aniya niya habol na ikumpara ang kanyang kondisyon sa iba pang sangkot sa kaso na malaya na ngayon tulad nina Michael Ray Aquino, Dumlao at Lacson. Nais na lamang niyang matapos na ang kanyang pakikibaka.

Paliwanag ni Mancao wala siyang pakialam sa kaso ng ibang akusado at nais lamang niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang kaso.

Umaasa ngayon si Mancao kay Justice Secretary Leila de Lima na hindi hahantong sa wala ang lahat ng kanyang paghihirap.

Dismayado rin si Mancao sa sistema na namamayagpag ang hustisya sa mga malakas at maimpluwensiya. Dama umano niya ang impluwensya ng mga makapangyarihan.

Paliwanag ni Mancao sinabihan umano siya ng prosecutor na hindi siya puwedeng ilipat ng Manila City Jail dahil sa seguridad subalit kinatigan pa rin ng korte ang hiling kanyang kalaban kaya’t wala na siyang nakikitang hustisya habang nasa loob ng NBI. Bukod pa ito sa pagbaligtad na ng isang witness laban sa kanya na si Glen Dumlao.

“Sinabi ni Dumlao sa open court na binulag nila ako, wala akong alam. Inamin nila na sila ang gumawa, sila nag-surveillance at sila nag-dispose ng kung anong mga ebidensya at alam nila kung sino ang mga gumawa, sila pa ngayon ang nasa labas, “Ako ngayon ang iko-convict at ililipat pa sa city jail. Principal acused sila, inamin nila na sila ang gumawa. Asan ho ang hustisya sa mga namatay?” pahayag ng dating police official.

 

vuukle comment

CESAR MANCAO

DUMLAO

EMMANUEL CORBITO

GLEN DUMLAO

JUSTICE SECRETARY LEILA

MANCAO

MANILA CITY JAIL

MICHAEL RAY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with