^

Bansa

Loren matatag sa taas!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ilang araw na lang ang nalalabi bago maghalalan, tuluyan nang pumaimbulog ang reeleksiyunistang si Senadora Loren Legarda sa pinakahuling survey ng Pulse Asia kung saan nakapagtala siya ng halos 52 porsiyentong marka na mataas na limang porsiyento sa sumusunod sa kanya.

Sa naturang survey ay nakita rin kung paano lumupaypay at bumulusok sa pang-apat na puwesto na lamang ang reeleksiyunis­ta ring si Sen. Alan Peter Ca­yetano na umano’y solong ikinakampanya sa Taguig ng kanyang asawang si Mayor Lani Cayetano, sa kabila ng pagkakaroon ng Team Pnoy ng labin­dalawang kandidato sa pagkasenador.

Sa pagdaraos ng naturang survey na ginanap sa pagitan ng Abril 20-22 ng kasalukuyang taon ay naging kapansin-pansin ang pagkalat ng mga text messages na nagsasabing si Legarda ay nag-akda ng panukalang naglalayong babaan ang suweldo ng mga sundalo at pulis.

Ang naturang mapanirang mensahe sa text ay agad namang pinabulaa­nan ng mismong pamu­nuan ng Senate Bills and Index Committee na nagpalabas pa ng isang sertipikasyon na walang panukalang batas na naglalayong ibaba ang suweldo ng mga natu­rang kawani ng pamahalaan ang naisampa sa kanila.

vuukle comment

ABRIL

ALAN PETER CA

ILANG

LEGARDA

MAYOR LANI CAYETANO

PULSE ASIA

SENADORA LOREN LEGARDA

SENATE BILLS AND INDEX COMMITTEE

TEAM PNOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with