^

Bansa

Ate ni Pnoy ikinampanya si Bam

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinakampanya na rin ng ate ni Pangulong Aquino na si Pinky A. Abellada ang pinsan nilang si Bam Aquino na isa sa mga kandidatong senador ng Team PNoy. Kamakailan lang ay dinaluhan ni Pinky ang isang salo-salo ng mga opisyal ng Quezon City.

Nasa Zambonga nang panahong iyon si Bam kaya pinaunlakan ni Pinky ang salo-salo.

Sinabi ni Pinky na gusto niyang ipakilala sa publiko si Bam na inihantulad niya sa yumao niyang mga magulang na sina Ninoy at Cory at maging kay PNoy.

“Si Bam ay simpleng tao katulad ni Ninoy, ni Cory, at ni PNoy. Wala siyang luho sa katawan, at kapag wala kang luho sa katawan, mas madali mong matatalikuran ang mga temptasyon,” paliwanag ni Pinky.

Ikinuwento rin niya ang angking galing at talino ng batang Aquino na valedictorian mula elementary hanggang kolehiyo at student council president ito sa Ateneo de Manila University.

Binanggit niya ang mga programang pangkabuhayan ni Bam na tinatawag na Hapinoy bukod sa binuksan nitong credit, market, training, at support services para sa mga nanay na nagmamay-ari ng mga maliliit na sari-sari store sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas.

vuukle comment

ABELLADA

BAM AQUINO

MANILA UNIVERSITY

NASA ZAMBONGA

NINOY

PANGULONG AQUINO

PINKY A

QUEZON CITY

SI BAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with