^

Bansa

Erap ’wag idawit sa Chiz-Heart issue

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinastigo ni United Nationalist Alliance (UNA) senatorial bet San Juan City Rep. JV Ejercito Estrada  ang grupong nasa likod ng pagdadawit sa pangalan ni dating Pangulong Joseph Estrada sa Chiz-Heart Evangelista brouhaha.

Ayon sa batang solon, masyadong busy ang kanyang ama sa sarili nitong pangangampanya sa lungsod ng Maynila para makisawsaw pa sa nasabing isyu.

Wala rin umano sa character ng ama ang pagiging “bengador” at pamemersonal at ito ay alam ng lahat maging ng mga taong simbahan at mga naging kabahagi ng EDSA Dos.

Ayon pa kay Rep. Estrada, dapat ay tigilan na  ni Sen. Escudero ang pagtuturo sa kanyang ama na nasa likod ng paglalantad ng tunay niyang pagkatao dahil ang senador ang nang iwan sa kanyang ninong noong 2010 election kaya minumulto ito ng kanyang mga ginawa o baka mayroon siyang kasalanan sa ibang tao.

Ipinagtataka rin ng mambabatas kung bakit ang kanyang ama na lamang ang laging nakikita ng senador sa tuwing mayroong problemang dumarating sa sarili nito.

“Sa ganang akin, kung anuman ang problemang dumarating sa atin, baka mas magandang sa halip na maghanap  sa ibang kapwa na matuturong maysala, baka mas mabuting tingnan ang sarili at tanungin saan nagkamali, Holy Week ngayon napakainam ng pagkakataon na ito para mag-reflect sa sarili at humingi ng kapatawaran sa Maykapal at sa ating kapwa” ayon pa kay Estrada.

 

vuukle comment

AYON

CHIZ-HEART EVANGELISTA

EJERCITO ESTRADA

HOLY WEEK

IPINAGTATAKA

KINASTIGO

MAYKAPAL

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SAN JUAN CITY REP

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with