^

Bansa

NBP may bagong hepe

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng bagong talagang hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Atty. Franklin Jesus Bucayu na lilinisin niya ang  kawanihan at bubuwagin  ang mga iligal sa loob ng New Bilibid Prisons.

Kahapon ay pormal na nanumpa kay Justice Secretary Leila de Lima si Bucayu kasabay ng kanyang pangako na ipapatupad ang reporma sa Bilibid na balot ng kontrobersiya.

Kabilang aniya sa kanyang tututukan ay ang pagpuslit ng droga, pagdukot sa ilang mga bilanggo, ang isyu ng prostitusyon at mga iligal na kubol sa loob ng NBP.

Aminado si Bucayu na malaki ang kanyang magiging responsibilidad subalit sa tulong ng kanyang mga tauhan at empleyado gayundin ang mga preso ay madali lamang malutas ang  problema sa pambansang piitan.

Si Bucayu ay dating Police C/Supt ng Region 1 at dating nanguna sa UN Civilian police at peacekeeper.

Ayon sa kalihim, personal niyang inerekomenda si Bucayu upang ma­ging susunod na BuCor director.

Sa Martes ang pormal ng pagsisimula ng trabaho ni Bucayu.

 

vuukle comment

BUCAYU

BUREAU OF CORRECTIONS

FRANKLIN JESUS BUCAYU

JUSTICE SECRETARY LEILA

NEW BILIBID PRISONS

POLICE C

SA MARTES

SI BUCAYU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with