^

Bansa

Kano naharang sa NAIA dahil sa mga bala

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang American national ang naharang palabas ng Pilipinas matapos arestuhin ito ng mga tauhan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon matapos makita sa x-ray machine na ang dala nitong bag ay naglalaman ng ilang pirasong bala ng caliber .40 pistol habang nasa departure area ito ng Ninoy Aquino International Airport  (NAIA) noong Sabado sa Pasay City. 

Sa report na natanggap ni Biazon, kinilala ang suspect na si David Alexander Delevan, 28, tubong New Hampshire at pansamantalang nanunuluyan sa Room 36-O Belton Place, panulukan ng Pasong Tamo at Yakal Streets, Makati City.

Nakumpiska sa dayuhang suspect ang pitong piraso ng mga bala ng calibre .40 pistol at isang snap cap na ginagamit sa dry firing. 

Ayon sa report, naganap ang insidente dakong alas-12:34 ng tanghali sa Build-Up One, bandang bahagi ng departure area ng terminal 2 ng NAIA.

Patungo sana ang suspect sa Pudong, Shanghai, China at habang nagsasagawa ng inspection ang mga tauhan ni Biazon sa mga bagahe ng mga pasahero ay nakita sa x-ray machine ang bag ni Delevan na may kahina-hinalang laman.

Nang pabuksan sa suspect ang bag para berepikahin ay nakita ng mga bala ng naturang kalibre ng baril.

Agad na dinakip ang suspect at sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 8294 o illegal possession of ammunition sa Pasay City Prosecutors Office.

vuukle comment

BIAZON

BUILD-UP ONE

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DAVID ALEXANDER DELEVAN

ISANG AMERICAN

MAKATI CITY

NEW HAMPSHIRE

NINOY AQUINO INTERNATIONAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with