^

Bansa

P10-M Taiwan rice nasabat

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasabat ng mga tauhan ni Bureau of  Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon ang hinihinalang mga smuggled Taiwan rice na nagkakahalaga ng P10 million sa Port Area of Cebu.

Kahapon ay nagtungo si Biazon sa lalawigan ng Cebu upang magsagawa ng inspection sa mga nasabat na smuggled rice. Kasama ni Biazon si BoC Port of Cebu District Collector Edward dela Cuesta para suriin ang naturang mga kontrabando.

Base sa report, ang nasabat na mga smuggled rice, na nagkakahalaga ng P10 million ay nagmula sa bansang Taiwan  at tinangkang ipuslit ito sa Pilipinas.

Ang nabanggit na mga smuggled Taiwan rice ay nasamsam mula sa 20 pirasong 20-footer container van at nalaman na ang consignee nito ay magkaibang trading company. Muling nagbabala ang BoC chief na hindi niya pahihintulutan at palulusutin sa kanyang administrasyon ang mga smuggler na sumasabotahe sa ekonomiya ng bansa.

 

vuukle comment

BIAZON

CEBU

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

KAHAPON

KASAMA

NASABAT

PORT AREA OF CEBU

PORT OF CEBU DISTRICT COLLECTOR EDWARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with