^

Bansa

Miriam delikado sa 2nd stroke

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binalaan na ng kaniyang mga doktor si Senator Miriam Defensor-San­tiago na posible itong ma­karanas ng ikalawang stroke kung hindi titigilan ang pulitika at papasok sa pagbabalik ng sesyon ng Senado sa Lunes.

Ayon sa statement ng tanggapan ni Santiago, da­­lawang doktor na ang nagpayo sa senadora na huwag magreport sa Lunes at huwag na munang makinig ng mga ba­litang pulitikal.

Inihayag kamakalawa ng tanggapan ni Santiago na pumutok ang ugat sa kanang mata nito dahil umabot umano sa 184/100 ang blood pres­sure ni Santiago ng gumising ito noong Huwebes ng umaga.

“If Sen. Santiago reports to the Senate on Monday, she might have a sudden rise in blood pressure and suffer either a stroke or a heart attack. She already had a mild stroke some ten years ago,” sabi ni Dr. Espe­ranza Cabral.

Ipinaalala umano ni Dr. Cabral, dating director ng Heart Center, kay Santiago ang medical history ng pamilya nito kung saan dalawang na­kababatang kapatid na lalake ng senadora ay magkahiwalay na namatay sa heart attack habang sila ay natutulog.

Samantala, inihayag naman ni Dr. Rodolfo Chuanico, ophthalmologist ni Santiago na ang blood clot sa mata nito ay isang warning na kung tataas muli ang kanyang blood pressure ay posibleng mag­dulot ng stroke.

Ayon pa kay Chuanico, ang pagputok ng ugat sa mata ng senadora ay indikasyon na nagkaroon ito ng mild stroke matapos ang TV interview noong Huwebes pero suwerte lamang umano na ang stroke ay tumama sa mata at hindi sa utak ng senadora.

vuukle comment

AYON

DR. CABRAL

DR. ESPE

DR. RODOLFO CHUANICO

HEART CENTER

HUWEBES

IF SEN

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with