^

Bansa

Anak ni Gov. Garcia, PNP, Roxas nagpalitan ng kaso

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Imbes na regalo nga­yong kapaskuhan, nagpalitan ng kaso ang ina­suntong anak ng sinuspindeng si Cebu Gov. Gwendolyn Garcia na bumuwelta rin ng kaso laban sa PNP at kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

Si Pablo “Paolo” Garcia III, anak ng suspendidong gobernadora ay kinasuhan ng direct assault ng Police Regional Office (PRO) 7 matapos na umano’y batukan si Insp. Alvino Enguito ng Regional Public Safety Battalion (RPSB).

Sinabi ni PRO 7 Director P/Chief Supt. Marcelo Garbo Jr., hindi nila maaring palampasin ang ginawang pag-aabuso ng grupo ng batang Garcia sa isa nilang opisyal na nagpapatupad lamang ng maximum tolerance laban sa mga nagbi-vigil na supporters ng sinuspindeng gobernadora.

Sinasabing kasama umano ni Paolo sina Tonnyson Lee at Joey Cal sa pagbatok kay Enguito.

Samantalang bumuwelta naman si Garcia III ng kasong robbery laban kina Roxas at mga matataas na opisyal ng pulisya sa Cebu dahilan umano sa pagkumpiska sa tatlong tent na kanilang nirentahan para masilu­ngan ng kanilang mga supporter na nagsasagawa ng prayer vigil sa labas ng Provincial Capitol.

Isinama ni Garcia III sa kaso si Roxas matapos mabatid na ito ang nag-utos sa pulisya na buwagin ang prayer vigil ng kanilang mga supporter.

Hanggang kamakalawa ay tumanggi umano ang pulisya na ibalik ang nasa­bing tent kaya nagsampa rin ng kaso ang batang Garcia.  

 

vuukle comment

ALVINO ENGUITO

CEBU GOV

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

GARCIA

GWENDOLYN GARCIA

JOEY CAL

MARCELO GARBO JR.

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with