^

Bansa

Pulitiko puspusan na sa pangangalap ng pondo

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Puspusan na umano ang pangangalap ng pondo ng ilang lokal na pulitiko sa pamamagitan ng pangha-hijack at pagnanakaw sa mga fuel tanker.

Ayon kay LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty, may nakuha siyang intelligence report na nag-level up na ang mga magnanakaw sa pag-atake sa mga tangke ng langis para sa mga sineserbisyuhan nilang pulitiko dahil ilang buwan na lamang bago ang halalan.

Sinabi pa ni Ty,  miyembro din ng House Energy Committee, ang mga nasabing politiko ay sila rin protektor ng mga gang na nagnanakaw sa mga fuel tanker sa Metro Manila at Central Luzon.

Bunsod nito kayat kinalampag ng mambabatas si bagong Energy Secretary Jericho Petilla at ang su­sunod na hepe ng PNP na tutukan at agad na resolbahin ang krimen.

Bukod umano sa milyon-milyon ang nawawala sa gobyerno at mga negosyante labis din apektado dito ang mga consumer.

vuukle comment

ARNEL TY

AYON

BUKOD

BUNSOD

CENTRAL LUZON

ENERGY SECRETARY JERICHO PETILLA

HOUSE ENERGY COMMITTEE

METRO MANILA

PARTYLIST REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with