^

Bansa

Swimming isasama sa kurikulum ng Elem., HS

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos lumabas sa United Nations Children’s Fund Survey na ang pagkalunod ang ikalawa sa dahilan ng pagkamatay ng mga bata sa Pilipinas na may edad 14 taon pababa, nais ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na isama ng Department of Education (DepEd) ang pagtuturo ng swimming sa mga mag-aaral sa elementary at high school.

Sa Senate Bill 3261 na inihain ni Santiago, sinabi nito na kadalasan ay nagkakaroon na ng baha sa maraming lugar sa bansa tuwing malakas ang ulan o may bagyo kaya mahalagang matutong lumangoy ang mga kabataan.

Idinagdag pa ni Santiago na base sa statistics, ang pagkalunod din ang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga bata sa Asia. Tinatawag din umano ang pagkalunod na “silent epidemic” dahil kalimitang hindi na inire-report ang insidente sa mga ospital.

Base umano sa Alliance for Safe Children, isang bata ang nalulunod kada-15 minuto sa maraming lugar sa Asia.

Ang swimming ay maaari umanong isama sa core academic area katulad ng Music, Arts, Physical Education at Health o MAPEH.

DEPARTMENT OF EDUCATION

FUND SURVEY

IDINAGDAG

MATAPOS

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PHYSICAL EDUCATION

PILIPINAS

SA SENATE BILL

SAFE CHILDREN

UNITED NATIONS CHILDREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with