^

Bansa

Dasal at milagro sa bibitaying Pinoy

-

MANILA, Philippines - Nag-alay ng misa ang mga simbahan sa buong bansa para hili­ngin sa Diyos na makaligtas sa bitay ang Pinoy na naitakdang i-lethal injection sa China sa Dis­yembre 8.

Bagaman hindi na­wa­walan ng pag-asa si Vice President Jejomar Binay kahit na pormal nang nagpahayag ang Chinese government na tuloy ang pagbitay sa 35-anyos na Pinoy, tanging milagro at dasal na lamang ang maaaring magawa upang mabago ang desisyon ng China.

Ang misa ay hiniling ni Binay sa Catholic Bi­shops’ Conference of the Philippines (CBCP) para ipanalangin na pansinin ng China ang huling apela ng pamahalaan at lumambot sa paninindigan nito na ipataw na ang death penalty.

Nabatid sa Chinese Embassy na hindi pa rin tuluyang ibinabasura ng China ang kahilingan ng Pilipinas na makapunta si Binay sa Beijing upang makipag-usap sa mga top officials ng China at Chinese High People’s Court at iapela na ma­bigyan ng ‘commutation’ ang Pinoy mula sa bitay sa habambuhay na pag­kabilanggo.

Ayon naman kay Fo­reign Affairs Spokesman Raul Hernandez, inaasahan na ngayong Martes o Miyerkules ay makakalipad na ang apat na kapamilya ng nasabing Pinoy upang makausap at makapiling nila sa hu­ling sandali ang kanilang mahal sa buhay.

Inatasan na rin ng Malacañang ang DFA na gawin ang lahat ng diplomatic means para mailigtas ang Pinoy.

“The Palace position is that we will exhaust all other diplomatic means available to us. The DFA will continue to ask officials of the Chinese embassy in Manila that we be allowed to send our appeal,” wika ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte kahapon matapos tanggihan ng China ang pagpunta ni Binay upang personal na iabot ang letter of appeal ni Pangulong Aquino kay Chinese Pre­sident Hu Jintao.

Naninindigan pa rin ang China sa pagpapa­tupad ng kanilang batas lalo na sa drug trafficking na nirerespeto naman ng Pilipinas.

Hinatulan ng bitay ang Pinoy dahil sa pagpupuslit ng 1.495 kilong heroin habang papasok sa Guilin International Airport mula Kuala Lumpur, Malaysia noong Set­yembre 2008. (Ellen Fernando/Rudy Andal)

vuukle comment

AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

BINAY

CATHOLIC BI

CHINA

CHINESE EMBASSY

CHINESE HIGH PEOPLE

CHINESE PRE

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with