Stradcom nagpasaklolo sa SC
MANILA, Philippines - Naghain kahapon sa Korte Suprema ang Stradcom Corporation, ang exclusive Information Technology service provider ng Land Transportation Office (LTO), ng Petition for Certiorari and Prohibition with application for issuance of a Temporary Restraining Order (TRO) at writ of preliminary injunction na kumukwestiyon sa ipinalabas ni Quezon City RTC Branch 222 Judge Edgar Dalmacio Santos na pansamantala munang ila lagay sa kustodiya ng korte ang pinagtatalunang P1B payment ng LTO at Stradcom para sa umano’y safekeeping.
Ayon kay Stradcom president Cezar Quiambao, ang kautusan umano ni Judge Santos ay maglalagay sa peligro at posibleng tumigil na ang operasyon ng computerization system at interconnectivity project ng LTO at labag umano ito sa Republic Act No. 8975 at ginagarantiyahan ito ng Korte Suprema na hindi dapat mainterfere ang serbisyo ng Stradcom bilang isang national go vernment project na nasa ilalim ng Build Own and Operate (BOO) na sakop din ng Build Operate and Transfer (BOT) law.
Aniya, kapag natigil ang operasyon ng Stradcom ay mapaparalisa ang buong sistema ng LTO sa buong bansa dahil hindi kakayanin ng manual operations ang mga transaksyon sa lahat ng ahensya na pinapagana ng interconnectivity taliwas sa sinasabi ni LTO chief Virginia Torres.
Sinabi pa ni Quiambao na ang sinasabing P1.2B LTO payment due sa Stradcom ay hindi naman public funds kaya’t hindi dapat ito ilagay sa kustodiya ng korte sa halip ito ay funds mula sa mga pinagbayaran ng mga end -users at mga beneficiaries ng LTO para sa Stradcom at hindi galing ang nasabing funds sa National Treasury.
- Latest
- Trending