^

Bansa

Surprise visit ni PNoy sa Bilibid naunsyami

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines -  Kinansela ni Pangulong Aquino ang kanyang surprise visit sa New Bilibid Prison (NBP) kahapon ng umaga matapos umanong i-leak ng tanggapan ni Justice Secretary Leila de Lima ang nasabing pagbisita ng Pangulo sa media.

Nainis umano ang Palasyo dahil nawala na ang elemento ng ‘surprise’ na pagbisita ng Pangulo makaraang ikalat ng DOJ sa media ang pagpunta ni PNoy.

Itinanggi naman ng Palasyo na maysakit o masama ang pakiramdam ng Pangulo kaya kinansela ang pagbisita sa NBP. 

Sinabi ng Malacañang, sasakay sana ng helicopter ang Pangulo sa pagpunta sa NBP subalit ikinagulat ng Palasyo nang makitang ‘sandamakmak’ ang media na nag-aabang sa kanya doon.

Napag-alaman na nagpakalat ng text ang staff ni de Lima sa media na nag-aanyaya sa coverage para sa surprise visit ng Pangulo sa Bilibid.

Ang nasabing event ay ‘in-house’ lamang at hindi ‘for media coverage’ subalit ikinagulat ng Palasyo na naroroon na ang lahat ng TV channels.

vuukle comment

BILIBID

ITINANGGI

JUSTICE SECRETARY LEILA

KINANSELA

MALACA

NAINIS

NEW BILIBID PRISON

PALASYO

PANGULO

PANGULONG AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with