^

Bansa

PNoy tumangging maging ninong sa kasal ni Miriam

- Ni Rudy Andal -

Manila, Philippines - Inamin kahapon ni Pangulong Aquino na ang unang inalok sa kanya ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ay maging ninong nila sa renewal of vows pero dahil naniniwala siya sa ‘pamahiin’ ay tinanggihan niya ito at sa halip ay piniling maging best man.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa mediamen na kasama sa byahe nito sa Bangkok, Thailand para sa 2-araw na state visit, naniniwala pa rin siya sa pamahiin na maaaring hindi na makapag-asawa ang binatang magiging ninong sa kasal.

Aniya, mahirap na umanong magkatotoo ang pamahiin na iyon sa kanya kaya tinanggihan niyang maging ninong muli sa renewal of wedding vows nina Sen. Santiago.

Nakiusap namang muli si Pa­ngulo sa media na tantanan na ang pagbabantay sa kanyang lovelife matapos magbiro ito kamakailan na umaaasa siyang makakapag-asawa pa bago matapos ang kanyang termino.

Ang latest na nauugnay na babae sa binatang pangulo ay si Bunny Calica na kasama niyan nanood ng reunion concert ng bandang Hot­dog sa Dusit Thani Hotel sa Makati City kamakailan.

vuukle comment

ANIYA

BUNNY CALICA

DUSIT THANI HOTEL

INAMIN

MAGING

MAKATI CITY

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NAKIUSAP

PANGULONG AQUINO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with